About this transcript: This is a full AI-generated transcript of Senado, magko-convene na bilang impeachment court ngayong araw — Ted Failon & DJ Chacha from News5Everywhere, published May 18, 2026. The transcript contains 1,281 words with timestamps and was generated using Whisper AI.
"Ngayon pong araw daw ang sinasabing pag-convene ng Senado bilang Impeachment Court. Inaatasan po ni Senate President Alan Peter Cayetano ang 23 mga Senador na maging present sa session hall ngayon pong araw alas 3 ng hapon. Pinagsusod din daw po ang mga Senador ng kanila pong Impeachment Roves kasa"
[0:00] Ngayon pong araw daw ang sinasabing pag-convene ng Senado bilang Impeachment Court.
[0:06] Inaatasan po ni Senate President Alan Peter Cayetano ang 23 mga Senador na maging present sa session hall ngayon pong araw alas 3 ng hapon.
[0:16] Pinagsusod din daw po ang mga Senador ng kanila pong Impeachment Roves kasa kanilang pagdalo sa session mamaya.
[0:23] Pinalalahanan din po ni Cayetano ang mga Senador na sundin ang tamang asal at proseso dahil sa isang seryosong usapin daw po itong Impeachment Trial.
[0:35] Noong pong Merkules, natanggap ng Senado ang Articles of Impeachment laban kay VP Sara Duterte.
[0:41] Ito na po na ipamahagi na sa mga miyembro ng Senado.
[0:44] Dadalo rin daw po ang House Prosecution Panel sa pag-convene ng Senado bilang Impeachment Court ngayong araw.
[0:50] Samantala pinabulaanan ni Senate President Alan Peter Cayetano na may kinalaman sa impeachment ang kudeta sa Senado.
[0:57] Ang gate ni Cayetano hindi nagpalit ng liderato para iantala ang impeachment.
[1:01] Sumusunod daw ang Senado sa mandato nito na naaayon sa konstitusyon.
[1:05] Posible rin daw na tumagal ng ilang buwan ang impeachment trial.
[1:10] Aayusin daw nilang schedule para hatiin ang mga araw sa impeachment trial at ang legislative work ng mga Senador.
[1:16] Dagdagdag pa po o ang dagdag ng Senate President, ang mga nangyari noong nakaraang linggo ay hindi nangangahulugang magulo ang Senado.
[1:25] Pakinggan po natin ang pahayag ni Senate President Alan Peter Cayetano.
[1:32] Sa Monday, magko-convene na tayo bilang Impeachment Court.
[1:36] So ulitin ko lang po ha, walang delay, propaganda lang at paninira sa bagong majority na yung impeachment ang main reason na pagpapalit.
[1:45] Yun, oo, pwede talaga ito. May Bible verse ba yung nasa likod ni SP?
[1:51] Yan nga pong tinig ni Senate President Alan Peter Cayetano.
[1:55] Samantala po naman, kasunod po ng nangyaring putukan ng baril sa Senado noong pong Merkules ng gabi at pagtakas ni Senador Bato de la Rosa.
[2:04] May panawagan si Senate Sergeant at Arms, Mao Aplaska.
[2:09] Kalimutan na raw po ang mga nangyari at tumutok na lang daw po sa impeachment trial ni VP Sara.
[2:15] Aminado ho naman si Aplaska na siya ang unang nagpaputok ng baril laban sa umano yung mga tauhan ng NBI noong pong Merkules ng gabi.
[2:24] Hindi raw po sumunod ang NBI ng kanilang utusan na ibaba ang kanilang baril kaya nagpaputok siya ng warning shot.
[2:31] Dapat daw po ay nakipag-ugnayan si NBI Director Melvin Matibag nang pumunta ang mga tauhan niya sa Senado.
[2:38] Pero gayet na Aplaska, mas mahalagang usapin niya daw ngayon ng impeachment.
[2:41] Ang kanyang panawagan, kalimutan na daw po natin ang lahat ng nangyaring barilan o putukan ng baril sa Senado.
[2:50] Ang panawagan po na sa ating mga kababayan sa NBI, sa PNP.
[2:54] Sa Monday po, in-announce mo po ang ating Senate President na magkukonbina po yung impeachment court.
[3:01] Kami po ay maghahanda na sa aming security preparation para sa impeachment trial.
[3:07] Kalimutan na natin na nangyari, magtulong-tulong po tayo para mairaos po natin peacefully itong constitutional mandate ng Senado bilang impeachment court.
[3:21] Yan po ang panawagan ni Senate, Senate at Arms, Retard General Mau Aplaska.
[3:27] Samantala, nanawagan po ang iba't ibang grupo na magbitiw na bilang Senate President si Sen. Alan Peter Cayetano.
[3:34] Dahil nga sa sunod-sunod na kontrobersiya o kontrobersiya na kinakaharap ngayon ng Senado.
[3:39] Nagkasapon ang hilos protesta mga estudyante ng Bulacan State University o BSU para maipanawagan na alisina sa puwesto.
[3:47] Si Cayetano, arestuhin si Sen. Ronald Bato de la Rosa at i-impeach si VP Sara Duterte.
[3:53] Naglabas naman ng joint statement ang magkaribalha na student political groups mula po sa Universidad ng Pilipinas.
[4:00] Ang diin po ng samasa at nagkaisang tugon.
[4:02] Ang bigo si Cayetano na pamunuan ng Senado dahil sa kahihiyang dala ng pag-alis ni de la Rosa habang nasa protective custody ito ng Senado.
[4:11] Binatikos din ang dalawang grupo ang tila pagsasantami daw ni Cayetano sa konstitusyon para pangalagaan ng kapwa-senador.
[4:18] Sa gitna po ng mga kontrobersiya sa Senado, atensyon sa politika.
[4:22] Nauna ng sinabi ni Cayetano na kailangan na nilang magfocus sa trabaho.
[4:25] Binigyan din niya ang kahalagahan ng nag-unang pagtutulungan sa Senado kahit na sino pa ang nakaupo sa liderato.
[4:35] Samantala, iimbestigahan daw po ng PMP ang umanoy police convoy ng van na hinihinalang sinakyan ni Senador Bato de la Rosa
[4:43] palabas po ng Senado noong Puebes ng madaling araw matapos nga po magkaroon ng putukan at kaguluhan sa Senado.
[4:50] Noong May 14, namataan ang ilang sasakyang palabas po ng Senado sa pagitan po ng alas 2 hanggang alas 3 ng madaling araw.
[4:58] Bandang 2.32am, lumabas po mula sa basement ang isang puting SUV.
[5:04] Hindi malinaw kung sino ang sakay ng van pero ayon sa Senate Logbook, 2.35am,
[5:10] umalis ng Senado si Senador Robin Padilla na kasama o manos ni de la Rosa na lumabas po ng Senado.
[5:16] Makalipas ang higit 30 minutos, isang itim na van ang lumabas naman na sinundan po ng isa pang puting sasakyan na meron pong marka ng PMP.
[5:26] Hinihinalang yan ang sinakyan ni de la Rosa para nga sumibat palabas ng Senado.
[5:31] Giit ng Pasay City Police, si Police Colonel José Lito de Sesto ang sakay ng naturang police vehicle
[5:37] pero hindi raw ito parte ng anumang pong convoy o escort ng sinumang personalidad.
[5:43] Pero pinaimpistigan pa rin ito ni PMP Chief General José Melencio Nartates Jr.
[5:48] Ipinag-utos niya ang independent review ng mga logbook, CCTV footage at radio dispatch nang mangyari ang insidente.
[5:56] Magugunitang humiling umano si de la Rosa na isailalim siya sa kustudiya po ng PMP.
[6:01] Ikaugnay pa rin ng ICC arrest warrant. Ipaubay na daw po ng PMP sa mga kaukulang otoridad at legal na proseso.
[6:09] Ipinabapasunaw naman ng Office of the Solgen ang petisyon ni de la Rosa sa Supreme Court para nga maglabas daw ng temporary trading order laban sa ICC arrest warrant.
[6:19] Kulang daw kasi ito sa merito. Iginit din po ni OSG na maaaring ipatupad ng Executive Department.
[6:26] Ang arrest warrant laban kay Bato, sa ilalim pa rin po ng Republic Act No. 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity.
[6:39] Dagdag pa nito, hindi na kinakailangan daw po ng hiwalay pang arrest warrant mula sa lokal na hukuman para maipatupad ang ICC warrant of arrest sa bansa.
[6:48] Samantala, hinihiling naman po ng ICC prosecutors na gawin sa November 30 ngayong taon po yan ang paglilite sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.
[6:56] Inaasahan daw kasi ng prosecution na matatapos ang lahat ng kinakailangan sa pre-trial steps sa katapusan ng Setiembre.
[7:03] Pero ayon sa defense team, inappropriate o hindi pa akmang magset ng araw at oras sa ngayon.
[7:09] Ayon sa bagong abogado ni Duterte na si Peter Hines,
[7:12] kailangan pang malaman kung fit nga ba ang dating Pangulo na makaharap sa paglilitis.
[7:18] Ang giit pa niya, patuloy po na lumalala ang kondisyon ng dating Pangulo, kaya kailangan muli ng fitness review.
[7:24] Nakatakda namang isagawa ang unang status conference sa kasong Crimes Against Humanity ng dating Pangulo sa May 27.
[7:30] Mga kapatid, patuloy po kayong tumutok sa 105.9 True FM para sa totoong balita, informasyon, music and entertainment.
[7:40] Mag-subscribe sa aming YouTube channel at podcast at sundan niyo kami sa Facebook, Instagram, X at TikTok sa True Network PH.
[7:49] Visitahin din po ang aming official website, truefm.ph.
[7:54] At panoorin din kami ha sa True TV Signal Channel 19.
[7:59] Kami po ang 105.9 True FM.
[8:02] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:04] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:08] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:09] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:10] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:11] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:12] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:13] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:14] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:15] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:16] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:17] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:18] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:19] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:20] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:21] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:22] Laging true sa'yo, kapatid!
[8:23] Laging true sa'yo, kapatid!