About this transcript: This is a full AI-generated transcript of Pre-trial conference sa VP Sara impeachment, itinakda sa June 18 — Ted Failon & DJ Chacha from News5Everywhere, published June 11, 2026. The transcript contains 755 words with timestamps and was generated using Whisper AI.
"Umabot na po sa 38 ang patay sa magnitude 7.8 na lindol sa southern Mindanao. Sa tanggapan po ng Office of Civil Defense, sinasabi nilang 418 na ang sugatan sa trahedya habang may 4 ding na iulat na nawawala. Sa datos po naman ng DSWD, higit na pong 32,000 pamilya o higit sa 145,000 individuals ang"
[0:00] Umabot na po sa 38 ang patay sa magnitude 7.8 na lindol sa southern Mindanao.
[0:06] Sa tanggapan po ng Office of Civil Defense, sinasabi nilang 418 na ang sugatan sa trahedya habang may 4 ding na iulat na nawawala.
[0:16] Sa datos po naman ng DSWD, higit na pong 32,000 pamilya o higit sa 145,000 individuals ang apektado po ng lindol.
[0:26] Patuloy pa mamahagi ng ayuda ng iba't-ibang government agencies.
[0:30] Nasa Mindanao na rin ang ilang miyembro ng gabinete para nga doon ay makita ng personal ang mga apektadong rehyon.
[0:39] Nagtagda rin pong dumalaw doon sa Mindanao si Pangulong Marcos Jr. pero wala pang inilalabas pong detalye kung kailan.
[0:46] Sa iba pang balita, may banta daw sa seguridad ng Senado.
[0:49] O kaya po ay pinag-utos ng Gatchalian Block na work from home na muna ang kanilang pasok sa Senado sa ngayon.
[0:58] Ayon po kay Acting Senate President Wynne Gatchalian, mismong si NBI Director Melvin Matibag,
[1:03] ang nag-abiso sa kanila tungkol po sa nasabing banta.
[1:07] Kaya nakipagpulong agad si Gatchalian sa Senate Executive Committee,
[1:10] kabilang na po ang Office of Senate Surgeon at Arms.
[1:13] Para po sa mga kakailanganin o kakailanganin adjustment sa security protocol.
[1:18] Dapat daw masiguro naligtas ang work environment sa Senado para sa mga Senador at sa mga kawanin nito.
[1:24] Naglabas din po ng memo si Gatchalian para atas sa mga kawanin ng Senado na mag-work from home muna hanggang bukas June 11.
[1:31] Para naman po kay Sen. Tito Soto kung mapatunayang may malinaw at agarang panganib,
[1:37] po pwedeng ikonsidera ang lockdown sa Senado.
[1:39] Pero si Sen. Alan Peter Cayetano duda sa umano'y banta sa kanila.
[1:45] Kung totoo daw ito, dapat nasabihan daw ng lahat ng tauhan ng Senado at hindi lamang ang iisang block.
[1:55] Samantala na areste po ang dating pulis na si Rafael Dumlao na sinasabing mastermind sa pagkamatay po ng kuryanong negosyanteng si G. Ik-Joo.
[2:05] Natuntun si Dumlao sa isang bahay sa Pasong Tamo sa Quezon City.
[2:09] Nakuha rin sa kanyang bahay ang isang baril na nasa loob ng case.
[2:13] Ang sinasabing baril daw ay lisensyado po naman.
[2:17] Nakapangalan ito sa ibang tao at inimbestigahan na ang taong ito.
[2:21] Kinaalam din po kung sino may ari po ng bahay na kanyang pinagtataguan.
[2:25] Ayon sa DILG, naging susi sa pagtuntun kay Dumlao.
[2:29] Ang kasal ng anak nito noong pong nagdaang linggo.
[2:31] Hindi rao dumalo itong si Dumlao pero kanyang pinanood ang naturang seremonya sa Facebook.
[2:38] Kaya nakumpirman ang operatiba na nasa lugar nga ito.
[2:41] Tatlong linggo rin pong minanmanan ang bahay bago po ikalasa ang operasyon.
[2:46] Taong 2016, nang dukutin si G. sa Angelo City, Pampanga.
[2:50] At kalaunang nga po'y doon mismo dinala sa loob ng kampo krame.
[2:54] At doon din siya binarel.
[2:54] Naharap si Dumlao sa mga kasong kidnapping with homicide, kidnapping and serious illegal detention at carnapping.
[3:02] Naipaabot na rin po sa embahada at mga otoridad ng Korea ang pagkakaaresto kay Dumlao.
[3:08] Samantala kasado na po sa June 18 ng pre-trial conference para po sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
[3:16] Base po yan sa notice na natanggap ng House Prosecutors.
[3:19] Pirmado po ang notice na iyan ni Acting Senate President Wingat Salian.
[3:22] Siya na rin po ang tatayong presiding officer.
[3:25] I-fa-finalize pa ng House Prosecution Team ang nasa 25 witnesses para sa impeachment trial.
[3:31] Kabilang din po sa ipepresenta mga ebidensya sa umano'y hindi tamang paggasta ng confidential funds.
[3:39] Tinagaan dan po naman daw ay kanilang State of the Nation address o sona ni Pangulong Junior sa July 27.
[3:46] Sa inter-agency meeting kahapon, iginit po ng kinatawa ng kamera na simply po lamang daw at walang red carpet na idadaos.
[3:55] Ikayatin din daw nila ang mga bisita na magsuot lamang ng mga simpleng damit.
[4:00] Taliwas po sa nakaugalian na patalbugan ng mga suot na mga gown.
[4:05] Asama rin po sa meeting na yan ang Office of the President, AFP, PMP at maging MMDA.
[4:10] Nilatag din nila ang mga paghahanda para nga po sa siguridad sa sona.
[4:15] Damalo rin po sa pagpupulong para sa sona si Senate Secretary Renato Bantog Jr.
[4:21] Itong si Bantog ang siyang pumalit dito kay Jose Luis Montales na appointing naman ni Senador Alan Peter Cayetano.
[4:29] Mga kapatid, patuloy po kayong tumutok sa 105.9 True FM.
[4:33] Para sa totoong balita, impormasyon, music and entertainment, mag-subscribe sa aming YouTube channel at podcast
[4:41] at sundan nyo kami sa Facebook, Instagram, X at TikTok sa True Network PH.
[4:47] Bisitahin din po ang aming official website truefm.ph
[4:52] at panoorin din kami ha sa True TV Signal Channel 19.
[4:57] Kami po ang 105.9 True FM. Laging true sa'yo, kapatid!
[5:03] Outro