About this transcript: This is a full AI-generated transcript of Panayam kay Sen. Risa Hontiveros (May 28, 2026) — Unang Balita from GMA News, published May 28, 2026. The transcript contains 857 words with timestamps and was generated using Whisper AI.
"Tungkol pa rin sa may init na issues sa Senado, makakausap din natin si Senadora Risa Ontiveros. Magandang umaga po, Senadora. Magandang umaga rin po, Ms. Susan, at lahat ng ating mga tagapakinig. Senadora, kasunod po ng pag-walkout ng minoria nitong Martes. Paano po ang mangyayari kapag..."
[0:00] Tungkol pa rin sa may init na issues sa Senado, makakausap din natin si Senadora Risa Ontiveros.
[0:05] Magandang umaga po, Senadora.
[0:08] Magandang umaga rin po, Ms. Susan, at lahat ng ating mga tagapakinig.
[0:13] Senadora, kasunod po ng pag-walkout ng minoria nitong Martes.
[0:16] Paano po ang mangyayari kapag napag-usapan ulit ang motion na ito sa darating na lunes?
[0:21] Ano po ang aasahan ng taong bayan?
[0:24] Handang-handa po kami sa minority. Kasama na po ako na idebate hanggang kung talagang pagbobotohan na sa lunes yung mosyon ni Sen. Marcoleta.
[0:38] Yun naman ang alinsunod sa rule namin, sa rules of the Senate, na dapat one day before pagbobotohan na tatalakay na ipresenta.
[0:49] Yung nilalabag nilang rule nung gabi nung Martes. Kaya nga po ay humantong sa kinailangan naming mag-walkout para lang protektahan ang integridad ng Senado na isang Senado na sumusunod sa sarili niyang rule.
[1:07] Oo. Paano po Senador? Ako nga maulit yung nangyari nitong huling pangyayari sa Senado na nag-walkout nga kayo dahil kung ipipilit po. Ano po yung posibleng mangyayari sa Monday?
[1:21] Well, ang posibleng mangyayari sa Monday o ang most probable na mangyayari ay yun na nga po, itutuloy dapat at tatapusin yung debate tungkol dun sa proposed amendments sa rule
[1:34] para bigyang daan yung gusto nilang teleconferencing o pagboto ng isang Senador o ilang Senador kahit hindi in-person o online lamang.
[1:47] Mapagbobotohan na kung yan ang talagang mangyayari sa lunes. Pero at least yung ganyang proseso ay ayon na sa rule namin.
[1:55] At marami din po kaming itatanong na substantive na tanong dun sa proposed amendment ni Sen. Marcoleta.
[2:04] Senador, atutul po ba ang Sen. minority dun sa mismong panukala tungkol dun sa online na pagdalo sa sasyon o doon lang sa pagmamadali dun sa pag-amienda po sa Sen. rule?
[2:15] Alin po ba talaga dito yung tinututulan ng minorya?
[2:18] Pareho, Ms. Susan. For one, handa akong i-debate talaga yung merits mismo substantively ng proposed amendment.
[2:30] Kasi bakit? Sa kasalukuyang rule, papayagan lang yung boto by online means kung may national emergency o kung force majeure.
[2:42] Eh ano naman ang napaka-urgent para kailangan gawin yun ngayon?
[2:49] Minsan lang sa buong kasaysayan ng Senado, binigyang daan yan panahon na ng pandemia.
[2:56] So ngayon, lalo na sa panahon na tuloy pa rin yung gera sa Middle East at oil crisis, hirap na hirap yung ating mga kababayan.
[3:04] Pero wala tayong naririnig sa kanila na payagan silang work from home lamang, online work na trabaho lang.
[3:12] Sila ay sa gitna ng krisis na ito, patuloy na obligado at ginagawa nilang pumasok in person, di ba?
[3:21] Bakit kami special na mga Senador?
[3:23] Kami nga na mas may natatanggap na benepisyo kumpara sa ating mga kababayan.
[3:30] Hindi kami dapat umastang special.
[3:34] Obligado kami sa aming mandato, pumasok in person at magtrabaho para sa ating mga kababayan.
[3:40] Senadora, tanong po ni Senador Robin Padilla.
[3:43] Ay, di ba daw maituturing na force majeure yung gera sa Middle East,
[3:48] yung posibleng pagkadawit ng Pilipinas sa China-Taiwan conflict,
[3:51] at saka yung posibleng El Niño simula sa Union.
[3:54] Ano po ang ano niyo diyan, Senadora?
[3:55] Ano ba naman yan, Ms. Susan?
[3:58] I mean, with all due respect, hindi po yan, mga force majeure.
[4:02] Yung gera sa Middle East, yan po ay nangyayari sa mga mamamayan dun sa ibang regyon pa,
[4:11] precisely sa Middle East.
[4:13] At yung epektong oil crisis na yan sa ating mga kababayan,
[4:18] yan na nga ang dahilan na dapat physically pumapasok kami at ginagawa ang aming trabaho.
[4:24] Hindi yung tulad ng nangyayari the past three weeks na parang nakikipagpatintero kami sa floor,
[4:31] sa mga issue na pangunahing kinalaman sa aming mga sarili.
[4:35] Ang daming nakabindi na mga panukala para sa mamamayang Pilipino na dapat ginagawa namin in person.
[4:43] Ang napipintong or ang kinatatakutang hidwaan ng China at saka Taiwan,
[4:51] medyo matagal-tagal ng bantayan.
[4:53] Hindi naman namin kinailangan na mag-online work.
[4:56] At yung global warming at saka climate change,
[5:00] ang tagal na rin na yan ay kasama sa mga issues na dapat naming trabahuin in person.
[5:07] At hindi kailangang bigyang daan na online ang pag-debate at pag-boto dyan.
[5:15] Senadora, napanood namin yung kayo po yung nagkakaroon.
[5:18] Parang sagutan ba nito si Sen. Marcoleta kahit suspend yung session?
[5:22] Nagkaayos na ba kayo ni Sen. Rodante Marcoleta?
[5:26] Hindi pa kami nakikita ulit at hindi pa kami nagkakausap ulit.
[5:30] Siguro sa lunes na sa debate pa rin sa kanyang proposed amendment
[5:34] dahil ide-debate ko talaga pati yung substantive na merits ng kanyang proposal.
[5:40] Kayo ba ipabordo sa planong pagdulog sa Supreme Court
[5:43] kung sakaling ipipilit na magkaroon ng online na pagdalo sa session ng Senado?
[5:49] Well, kutsa ganyan.
[5:51] Sabi nga ni Minority Leader Tito Soto
[5:54] at sinabi ni dating Senate President, dating Minority Leader ko rin, Frank Drilon,
[5:59] na kung talagang lalabagin ang rules mismo ng Senado,
[6:06] ay maaaring humantong sa ganyan.
[6:08] Pero sa ngayon, nandun kami sa punto, Ms. Susan,
[6:11] na talagang susubukan talaga naming mapigilan na,
[6:17] kailangan pa namin itapo ng aming trabaho sa Korte Suprema.
[6:20] Susubukan naming tuparin ang aming mandato,
[6:23] i-resolve yung issue ito sa loob mismo ng Senado
[6:28] at sa ilalim ng sarili naming rule.
[6:30] Okay, maraming salamat, Senadora Risa,
[6:33] Ontiveros, at magandang umaga po sa inyo.
[6:35] Magandang umaga, Ms. Susan.
[6:37] Salamat po.