About this transcript: This is a full AI-generated transcript of LOOK: Escudero breaks silence on which Senate faction he belongs to — ANC from ANC 24/7, published June 11, 2026. The transcript contains 1,474 words with timestamps and was generated using Whisper AI.
"Claro na maliwanag ang hidwaan sa pagitan ng dalawang grupo na halos pareho ang bilang. So, ang kailangan mo, labing tatlo, para manaig dun sa mga natiling numero, na klarong mayuriya. Subalit, dahil kasalukuyang hindi matagpuan si Sen. Bato, kasalukuyang nakapiit at pinaglalaban yung kanyang..."
[0:00] Claro na maliwanag ang hidwaan sa pagitan ng dalawang grupo na halos pareho ang bilang.
[0:08] So, ang kailangan mo, labing tatlo, para manaig dun sa mga natiling numero, na klarong mayuriya.
[0:15] Subalit, dahil kasalukuyang hindi matagpuan si Sen. Bato, kasalukuyang nakapiit at pinaglalaban yung kanyang pagiging inosente si Sen. Jingoy,
[0:24] So, 22 lamang ang Senador ngayon. At kung titignan mo, labing isa yung isang panig nung una at labing isa rin yung kabila.
[0:33] Tai. So, deadlock siya. Walang gumagalaw at ang resulta, walang mangyayari at gagalaw din sa Senado.
[0:40] Yun ang rason kung bakit panay lamang adjourn ng Senado. Hindi nag-open clause, adjourn lamang ng adjourn na hindi maganda para sa institusyon.
[0:48] Ika ko nga sa unang bahagi ng aking pahayag kahapon, hindi na ito sustainable, attainable at hindi maaaring magpatuloy ng ganito ang Senado.
[0:56] Kung tanong mo naman, ganinong panig akong ngayon? Ang panig ko mula't mula hanggang ngayon ay sa Senado.
[1:01] Ibig sabihin, hindi pwede man natiling ganun yung institusyon kinabilangan ko.
[1:05] Kung ang tanong mo ay, majority ka ba o minority? Magpapakateknikal ako ng konti.
[1:10] Ang depinisyon ng majority sa Kamaraman o sa Senado, bumoto ka sa nanalong Senate President.
[1:16] Ang depinisyon ng minority, bumoto ka sa natalong Senate President.
[1:20] So kung maalala mo yung election ng Senate President kay Itano, bumoto ko para sa kanya, so majority ako.
[1:26] Yung iba bumoto para kay Sen. Soto, kaya sila minority.
[1:30] Ngayon walang Sen. President kasalukuyan ang Senado.
[1:33] So acting lamang si Sen. Wien Gatchal yan at Sen. President pro-tem lamang siya.
[1:38] Pero dagdag ko, hindi purkit majority ka, kakampi ka ng administrasyon.
[1:43] Hindi purkit minority ka, kakampi ka ng oposisyon.
[1:45] Hindi purkit majority ka, iisa lamang ang boto nyo.
[1:47] Bigyan ko kayo ng isang halimbawa.
[1:49] Nung Senate President ako, syempre kakampi ko ng mga nasa majority na bumoto sa akin.
[1:54] Nung in-archive ko yung impeachment ni VP Sarah last year,
[1:58] yung boto hindi sumunod sa majority-minority.
[2:00] Tulad ng ibang mga kontrobersyal na botohan.
[2:02] Halimbawa, si Sen. Risa Yata, nung panahon yun, bumoto para labanan yung pag-archive.
[2:08] Si Sen. Laxon Agapslein.
[2:10] Si Sen. Zubiri, bumoto para i-archive yung impeachment.
[2:14] Magkakampi sila sa minority, pero hindi pare-pareho ang boto nila.
[2:18] Ganon din ang mangyayaring botohan sa mga kontrobersyal na bill.
[2:20] Death penalty man, divorce man, soji bill man, abortion.
[2:24] So, hindi yan susunod sa mga linyang ganon.
[2:26] So, ang majority-minority, hindi ibig sabihin, tulad ng sinabi ko,
[2:29] eh isang boto o grupo kayo palagi sa lahat ng iso sa lahat ng botohan.
[2:33] Nagpasyako na itigil na yung kawalan ng sesyon sa Senado.
[2:37] Nagpasyako na hindi pwede magpatuloy na walang sesyon ng Senado.
[2:41] Dahil nakasaad din sa Saligang Batas, hindi pwedeng mag-adjourn ang Senado
[2:45] ng sosobar sa tatlong araw nang hindi nagpapaalam sa kabilang kamera.
[2:50] Kahapon, kung hindi pa kami nagsesyon, lalabagin na namin yung provision na yun ng Saligang Batas.
[2:55] At kahapon, bagaman walang opisyal na pahiyag,
[2:58] nagbigay na ng sulat si Sen. President Cayetano na wala ng sesyon.
[3:02] So, kinailangan talagang mag-convene na ang Senado.
[3:06] Ang solusyon nga sana, imbis na mag-agawan sila ng trono, may dumulog na lamang sa korte para pagpasyahan ito.
[3:12] Yun para sa akin yung mapayapang solusyon sa problema ito.
[3:15] Sa ngayon, boto, ang mayuri ay alanganin.
[3:18] Meaning, 13 kasi maliwanag eh.
[3:21] So, may desisyon na pinatayot, tinatayuan, etc. etc.
[3:23] Pero sa ngayon, ang bilang ay...
[3:26] 12-10.
[3:26] 12-10.
[3:27] Kung magiging 13 yun, edo mas maliwanag.
[3:30] Tapos.
[3:30] Nakikontato rin mo, sana dumating sa hindi malayong hinaharap, na may makabuo ng 13, sino man yun?
[3:35] Sino man yun ha?
[3:37] Biting ko ha?
[3:37] Sino man yun?
[3:38] Para tapos na.
[3:39] Wala ng iso, reklamo, o problema.
[3:42] Wala bang kinalaman yung palasyo sa naging desisyon nyo na magpakita doon sa plenary kahapon?
[3:48] Wala.
[3:49] Para sa akin, ang posisyon ng palasyo, walang kinalaman sa posisyon ng Senado bilang Senador.
[3:55] Bakit?
[3:55] Hindi ba masakit sa dibdib na nakikita mo nag-a-adjourn na lang ang Senado ng tatlong araw na nandoon naman yung mga tao na nagbo-boycott man o protesta man?
[4:03] Diba?
[4:04] Buwag na lang yun, iba na lang.
[4:06] At hindi ako nagkulang sa pakikipag-usap sa mga kasamahan ko sa Senado, sa magkabilang paniga, na dapat ganito.
[4:13] Huwag gamitin to.
[4:14] Hindi tama to.
[4:15] Hindi na tama yung ganito.
[4:17] May ibang paraan.
[4:18] Iba yung kaisipan.
[4:19] Yung iba.
[4:20] So kailangan kong tayuan kung anuman ang paniniwala ko.
[4:23] Kailangan kong gawin kung anong tingin kong tama at nararapat.
[4:25] Hindi para sa sarili ko.
[4:26] Hindi para sa isang pangkat o grupo, pero para sa Senado na bilang isang institusyon.
[4:31] Tungkuli na yung pinag-uusapan para sa akin.
[4:33] Hindi na kulay sa politika o pagkampi sa isa o kabilang grupo.
[4:37] Sa mga kapwa ko Pilipino, malinaw na nakasaad sa konstitusyon.
[4:42] Walang sinumang senador ang maaaring lehitimong tumayo bilang Pangulo ng Senado, batay lamang sa labindalawang boto.
[4:51] Ito ay pinagtibay sa ilalim ng 1987 konstitusyon.
[4:55] Sa Article 6, Section 16, Subsection 1 ng 1987 konstitusyon.
[5:02] Ang ibig pong sabihin, makakapaghalal lamang ng isang Senate president kung makakuha siya ng mayoryang boto ng lahat ng membro ng Senado.
[5:20] Ayon po sa konstitusyon, 24 ang kabuang bilang ng mga halal na senador.
[5:29] Kaya naman, 13 ang kinakailangan para magkaroon ng mayorya.
[5:35] Nakalagay din sa alituntunin ng Senado sa Rule 2, Section 2 na
[5:43] Ang mga opisyal po ng Senado ay ang Senate President, Senate President Pro Tempore, Senate Secretary at Sergeant at Arms.
[6:01] Hango at nakabase po sa ating konstitusyon, hango at nakabase po sa ating konstitusyon ang mga alituntunin ng Senado.
[6:07] Kung kaya tulad sa Senate President, boto rin ng mayorya ng lahat ng membro ng Senado ang kinakailangan upang magtalaga ng Senate President Pro Tempore, Senate Secretary at Sergeant at Arms.
[6:25] Malinaw, labing tatlong boto ang kailangan.
[6:31] Sabi din po sa Rule 15, Section 44 ng alituntunin ng Senado na
[6:39] Except during the election of officers, a majority of the senators shall constitute a quorum.
[6:49] Simple lang po ang kahulugan nito.
[6:51] Iba po ang bilang na kailangan para sa quorum.
[6:58] Iba rin po ang bilang na kailangan para po sa eleksyon.
[7:03] Kapag eleksyon po ng mga opisyal ng Senado,
[7:07] kailangan ang mayoryang boto ng lahat ng membro ng Senado upang sila'y mahalal.
[7:15] Kaya naman, sa kabila ng aking paggalang sa aking mga kasamahan, labag sa konstitusyon at alituntunin ng Senado,
[7:27] ang nangyaring pagtatalaga ng Senate President Pro Tempore, Senate Secretary at Sergeant at Arms.
[7:36] Dahil labindalawang senador lamang ang nasa plenaryo na bumoto.
[7:44] Kulang ng isang boto para masabing mayorya ng lahat ng membro ng Senado ang bumoto para sa pagbabago ng liderato.
[7:54] Samantala po, sa chairmanship naman ng mga komite ng Senado,
[8:01] malinaw din ang saligang batas sa ilalim ng Article 6, Section 16, Subsection 2,
[8:09] kung saan sinabi na,
[8:11] A majority of each house shall constitute a quorum to do business.
[8:17] Ibig sabihin po, labing tatlong senador din ang kinakailangan na kabilang sa sesyon ng Senado
[8:25] upang makagawa ng anumang opisyal na gawain o quorum kung kaya't labag din po sa konstitusyon
[8:34] ang naganap na pagdeklarang bakante at pagtatalaga ng mga chairperson sa mga ilang komite.
[8:43] Madalas pong binabanggit ang mga nasa minorya ang kasong Avelino v. Cuenco
[8:51] upang palabasing lehitimo ang naganap na takeover sa Senado.
[8:57] Pero hindi po maaring gawing shortcut ang Avelino upang pababain ang bilang ng mga senador
[9:04] na kailangan para sa quorum sa eleksyon at para magkaroon ng reorganization sa Senado.
[9:13] 1949 pa ang kasong ito.
[9:15] At naganap sa ilalim ng 1935 Constitution.
[9:20] Nagbago na ang ating saligang batas.
[9:23] 1987 Constitution na ang sumasaklaw po sa atin.
[9:29] Dito, malinaw na labing tatlo ang kinakailangang boto para maghalal ng Pangulo ng Senado
[9:39] at parehong bilang din ang kinakailangan para sa pagboto ng mga opisyal.
[9:45] Hindi rin bago ang patakarang ito noong pang 1973 Constitution.
[9:53] Malinaw na rin nakasaad na ang Speaker ng National Assembly ay dapat mahalal sa pamamagitan ng mga mayoryang boto ng lahat ng membro.
[10:03] Kung tatanggapin natin na maaring basta-basta na lamang bawasan ang bilang ng mga senador na kinakailangan para sa eleksyon na mga opisyal at pinuno na mga komite,
[10:18] malaki ang magiging epekto nito sa operasyon ng mataas na kapulungan.
[10:24] Sa tuwing may mga senador na nagkakasakit, na sa abroad, pansamantalang wala sa sesyon, na aresto, na detina, at iba pang kadahilanan,
[10:37] maaring gamitin ang dahilan na ito para palaging mag-reorganize ng Senado.
[10:42] Pag nangyari po yun, hindi na representasyon ng taong bayan.
[10:48] Interes at isyo ng panahon ang magtatakda kung sino ang nasa mayorya at mga opisyal ng Senado.
[10:57] Ang magiging labanan na lang ay kung sino ang makakapagbawas ng pisikal na presensya ng kabilang panig sa bulwagan.
[11:07] Dapat manatiling representasyon, interes ng nakararami.
[11:15] Performance ng bawat isa at isyo ng panahon ang batayan kung sino ang magiging mayorya at pinuno ng Senado.
[11:27] Ang konstitusyon, ang gabay ng ating demokrasya.
[11:32] Ito ang dapat nating ipaglaban para sa Senado, para sa ating mga institusyon,
[11:38] at higit sa lahat para sa bawat Pilipino.
[11:43] Si Loren Legarda po, ang inyong Senate President pro tempore.
[11:47] Maraming salamat.